PITO DALIRI

How Do I Breathe – Mario Music Code

Create Your Badge






Simula ngayon, magsusulat na ulit ako. Ihahayag ang mga walang kwentang kaisipan, walang kabuluhang kwento dito sa aking munting blog. Malimit kong i-share sa iba ang buhay ko, masyado lang kasi ako malihim. (hmmm) Pero ang totoo sobrang gustong gusto ko ipaalam ang totoong nangyayari sa bawat segundo ng buhay ko. Hindi madali sabihin sa iba ang mga karanasan mo lalo pa’t kung wala naman sila pakialam sa buhay mo. hahaha! Nasimulan ko na ang pahina nitong blog na idugtong sa kakarampot na detalye ng mga kwentong kabulastugan at kwentong kachurvahan. Unti-unti ko ng binubuhay ang katawang-lupa ko, sa mahaba at mahimbing na pagtulog ng isang nakaraan. Sana sa mga susunod ay maging spontaneous pa lalo ako. (tama ba spelling ng spontaneous? Pero wala naman talaga ako pakialam kung wrong spelling yan) Mahigit isang libong taon na din ako natutulog, hahaha! Pagpasensyahan nyo na kung mukha na talaga akong isang vampira. Leche kasi tong eyebag na to. Hindi mawala-wala. Siguro dala lang to ng sobrang puyat. Kasi ang inyong lingkod ay nagtatrabaho kapag gabi, oo, isa akong callboy. hahaha! Sa totoo nyan, isa akong call center agent sa isang sikat at nangungunang call center dito sa Pinas. Pupukpukin ko kayo ng avaya kung hindi nyo pa nahulaan yun. (Avaya or Avaya Inc.-sikat na telecommunication company na nag-specialize sa call center technology katulad ng telepono.) Nag-eenjoy ang inyong lingkod dito sa trabahong to kasi sabihin natin na mataas ang sahod at masarap magtrabaho kapag nakaupo ka lang at nagsasayang ng laway sa mga customer mo. hahaha! Petix mode kung minsan, pero kalimitan mahirap din kasi kailangan mo magmulti-task. Pero kung babagal-bagal ka sa pagdocument, naku ate! maiiwanan ka na ng eroplano papuntang Boracay. hahaha! Kaya ako sayo tol, simulan mo ng magkunwaring mag-type sa sirang keyboard ng kapitbahay mong ipinagyayabang pa na kakabili lang ng flat screen na monitor at bagong keyboard sa palengke. At ikaw naman na tanga, tinanong mo pa kung magkano at saan banda yung tindahan ni Aling Puring na nagbebenta ng mga surplus na computer galing Bangkok, oo, tama ka sa narinig mo, capital ng Thailand. Nagulat din ako, seryoso. hahaha! Balik tayo sa career, we’ll this job is not that quite easy. (nosebleed) Pero kung tutuusin, mabilis mong maaakyat dito ang corporate ladder. Kakailanganin mo lang na kabisaduhin ang lahat ng process ng account nyo. At kailangan mo din na puspusang OT para makita ng Team Leader mo na pursigido kang magtrabaho. Sa susunod tatalakayin natin ang detalye ng aking trabaho at pati na din ang environment sa call center. Hanggang sa muli mga vampira. rawr!